Isang bangkang pampangisda ang sinira ng malalakas na alon sa bayan ng Ferrol, Romblon nitong umaga ng Sabado, August 3.
Ayon sa may-ari ng bangka na si Ramon Gervacio, nakita niya nalang umanong nakalubog na sa tubig ang kanyang bangka at posible umano itong nabutas. May naputol na rin umanong bahagi ng katig ng bangka.
Hindi umano ito nailikas agad dahil hindi niy akalain na biglang lalakas ang alon ngayong araw sa kanilang bayan.
Ang malakas na alon at pag uulan sa lalawigan ay dahil sa Hanging habagat na pinapalakas pa ng Low Pressure Area.