Naghain ng election protest sa Regional Trial Court Branch 82 ang grupo ng mga natalong kandidato sa Odiongan ng Nacionalista Party at PDP-Laban nitong Biyernes, May 24, para hilingin na magkaroon ng recount sa naganap na botohan nitong May 13.
Ang protesta ay inihain nina Mayoral candidate Vinezar Maravilla, VM Candidate Mark Anthony Reyes, at SB candidate Virgie Maulion at Rollie Lachica.
Ayon sa source na nakausap ng Romblon News Network, gustong ipa-recount ang boto nina Odiongan Mayor-elect Trina Firmalo-Fabic; Odiongan Vice Mayor-elect Diven Dimaala; SBs-elect Butchoy Arevalo, Alex Formento, Quincy Anne Bantang, Gecelle Fainsan, at Nicky Faderogao sa ilang barangay sa Northern Part ng Odiongan .
Kinumpirma ni incumbent SB Rollie Lachica sa Romblon News Network nitong Biyernes ng gabi na naghain nga sila ng electoral protest sa RTC Branch 82.
Sinabi ni Lachica na may gusto lang silang patingnang boto sa ilang barangay para masigurong bilang ang lahat ng mga boto sa mga nabanggit na lugar.