Arestado ang tatlong mangingisda mula Marinduque matapos maaktuhang gumagamit ng iligal na gamit pangisda sa Banton, Romblon nitong Lunes, April 8.
Ayon sa spot report na pinadala sa Romblon News Netwok ng Banton Municipal Police Station, nagsasagawa umano ng seaborn patrol si Police Staff Sergeant Honorio Famorcan kasama ang dalawang pulis sa Dos Hermanas Island sa Brgy.Libtong nang makita ang mga suspek sakay ng isang motorized banca.
Naaktuhan di umano ang tatlo na gumagamit ng compressor sa pangingisda kung saan mahigpit na ipinagbabawal sa lugar.
Nakuha sa kanila ang dalawang flippers, dalawng bundle ng hose, isang compressor, dalawang googles, flashlight, dalawang spare gun, at mga isda na may market value na aabot sa P4,200.
Inaresto ang tatlong mangingisda at kinasuhan ng paglabag sa Municipal ordinance N0. 1 Series of 2011 o mas kilalang Comprehensive Municipal Fisheries and Environmental Code of Banton, Romblon.
Pinalaya rin sila kinalaunan matapos magbayad ng multa sa Municipal Treasurers Office ng Banton na aabot sa P4,500.
































