Natupok ng apoy ang kusina at kwarto ng isang bahay sa Barangay Bagacay, Romblon, Romblon nitong hapon ng Miyerkules, April 24.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – Romblon, nakatanggap sila ng tawag na may nasusunog na bahay bandang 3:30 ng hapon kaya agad silang rumesponde. Pagdating umano nila sa lugar, nakita nila na umuusok umano ang bahay.
Agad naman umano nilang naapula ang sunog matapos ang halos 10 minuto kaya hindi na ito kumalat sa iba pang bahagi ng bahay na pagmamay-ari ng isang Antonio Galasao.
Wala namang nasaktan sa nasabing sunog.
Patuloy na iniimbestigahan ng BFP-Romblon ang nasabing sunog para malaman kung saan posibleng nagsimula ang apoy at kung magkano ang total na halaga ng kagamitang napinsala nito.
Paalala ng BFP-Romblon, tandaan ang kanilang hotline number na 09213179890 at agad na magreport kung sakaling may sunog.