Inanunsyo ng National Electrification Administration (NEA) na maglalagay sila ng solar-powered hydropanels sa Cobrador Island sa Romblon sa tulong ng Asian Development Bank (ADB) at Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO).
Ang NEA ay maglalagay ng apat na hydropanel units ngayong buwan bilang bahagi ng kanilang proyekto kasama ang ADB para makatulong sa iba’t ibang pamilya na walang nakukuhang malinis na tubig lalo na sa mga remote areas sa Pilipinas.
Ayon kay Engr. Ernesto Silvano, Jr., acting department manager ng NEA Office of Renewable Energy and Development, sagot umano ito sa kakulangan ng pasilidad sa Cobrador Island para makabigay ng malinis at ligtas na tubig inumin.
Ang hydropanels na ilalagay ng NEA ay gawa ng Zero Mass Water, Inc. (ZMW), ito ay isang device kung saan kayang mag extract ng water vapor mula sa hangin. Ang mga makukuhang tubig mula sa hydropanels ay pupunta sa isang reservoir kung saan lalagyan siya ng calcium and magnesium para maging mineral.
Sinabi rin ng NEA na kayang gumawa ng 5 litters na tubig kada araw ang mga hydropanels na kanilang ilalagay.
Ang Cobrador Island, o kilala ring Naguso Island, ay kasalukuyang walang desalination plant na tutulong sana para maging drinking water ang salt water para magamit araw-araw ng mga pamilya doon.