Hindi umano apektado ang Malacañang kaugnay sa report na may aabot sa 200 pages at accounts na di umanoy naka link kay Nic Gabunada, President Rodrigo Duterte's social media campaign manager noong 2016 elections, ang tinanggal ng Facebook nitong Biyernes.
Sa press briefing sa Romblon nitong Sabado, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Facebook ay may sariling rules and regulations na dapat sundin ng mga users nito.
“Obviously, Facebook is a private corporation run by it's own sets of rules. [If] you've entered Facebook, meron kang terms and conditions na pinipindot jan, alam mo ang terms and conditions,” ayon kay Nograles.
“On how we regulate the private entity, wala tayong control jan,” dagdag nito.
Sinabi rin ni Gabuna na nagrereklamo si Gabuna kung bakit tinanggal ito ng Facebook kahit wala umano silang ginagawa mali, ngunit sinabi ni Nograles na walang magagawa dahil ang mga nasabing pages ay regulated ng pamunuan ng Facebook.
“…at the end of the day, regulated ka by that company and that company can do whatever they want to do,” he said.
Nauna ng sinabi ng Facebook na ang mga pages at accounts na kanilang binura ay naka-link umano sa network na inorganisa ni Gabuna.
Nasa Romblon si Nograles para dumalo sa 27th Annual General Membership Assembly ng Romblon Electric Cooperative Inc. (ROMELCO).



































