Isa nanamang Romblomanon ang nag-uwi ng karangalan sa probinsya at ngayon at sa larangan naman ng beuty pageant.
Itinanghal nitong December 10 ang tubong Alcantara, Romblon na si Jane Nicole Miñano sa ginanap na Reyna ng Mangyan Festival 2018 sa Mansalay, Oriental Mindoro.
Si Miñano ang bumulaklak mula sa 21 na kandidata mula sa mga probinsya ng Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon.
Samantala, si Charie Segio ng Victoria, Oriental Mindoro naman ang itinanghal na Prinsesa ng Mangyan 2018; habang si Nicole Jakobsson ng Puerto Galera ang itinanghal na Mutya ng Mangyan 2018.
Maliban kay Miñano, lumahok rin sa patimpalak sina Krizzel Grace Marcelino ng San Andres, Precious Karah Roco ng Sibuyan, at Sharmaine Chico Galisanao ng Alcantara.
Ang Reyna ng Mangyan Festival 2018 ay inaasahang ipapalabas sa susunod na buwan sa ABS-CBN Channel 2, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.