Isang rider ang isinugod sa Romblon District Hospital (RDH) matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kasalubong na tricycle sa Barangay Li-o, Romblon pasado alas-6 ng gabi kanina.
Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng isinugod na rider at driver ng tricycle ngunit sinabi ng Romblon Municipal Police Station na ligtas na umano ang lagay ng mga ito.
Hindi na rin umano sila nagsampa ng kaso laban sa isa’t isa at sa Barangay nalang pag-uusapan ang kaso para agad na maayos.
Paalala ng Romblon Municipal Police Station, ugaliing maging maingat sa pagmamaneho ng mga motorsiklo at magsuot rin ng helmet para makaiwas sa malubhang pinsala sa katawan.