Ipinababatid ng Public Employment Service Office (PESO) ng Probinsya ng Romblon na bibisita sa bayan ng Odiongan sa darating na January 7 at February 7-8, 2019 ang mobile services ng Professional Regulation Commission (PRC) – Lucena.
Base sa nilabas na schedule ng PESO, January 7 ay tatanggap ang PRC-Lucena ng aplikasyon para sa March 2019 Licensure Examination for Professional Teachers; at sa February 7 ay tatangap sila ng aplikasyon para sa mga mag-renew ng kanilang lisensya at PRC ID.
February 8 naman ay gaganapin ang Initial Registration of New LEPT Passers, at Oath Taking Ceremony of September 2018 LEPT Passers.
Paalala ng PESO at PRC, lahat ng aplikante ay kailangang mag apply muna at magbayad online bago ang scheduled dates.
Para sa may mga katanungan, maaring kontakin sina Yoli Fegurasin- 0921 2619 523; Lotlot Salivio – 0928 2827 032; at Alice C. Fetalvero- 0928 343 4511.
Katulad ng nakaraang mga mobile services ng PRC, posibleng sa Romblon State University Main Campus ganapin ang mobile services nila ngayong 2019.
Ayon kay PESO Provincial Manager Alice C. Fetalvero, taun-taon aniya ay inilalapit ng PRC sa mga taga-Romblon ang ilan sa serbisyo ng ahensiya.