Maagang pamasko ang ibinigay ng mga kapulisan ng Concepcion Municipal Police Station sa mga batang dumalo ng ika-tatlong araw ng Simbang Gabi o Misa De Gallo ngayong umaga sa Immaculate Concepcion Parish Church.
Ayon kay Police Inspector Agustin Aban, hepe ng Concepcion MPS, pagkatapos ang misa ay inanyayahan ang mga kapulisan na pumunta sa gitna para magbigay ng awitin kasabay nito ang pamamahagi ng mga laruang pamasko sa mga bata.
Aabot umano sa 30 mga batang nagsimba ang kanilang nabigyan ng pamaskong mga laruan na binili mismo ng mga tauhan ng Concepcion Municipal Police Station.
Pagpapakita umano ito sa mga bata na ang mga kapulisan ay hindi dapat kinakatakutan.