Pinailawan na nitong Linggo ang Giant Christmas Tree ng Odiongan, Romblon na pinalubutan ng kulay puti at yellow na Christmas lights na matatagpuan sa loob ng Odiongan’s Children Park and Paradise.
Ang Christmas tree na may halos 20ft na taas ay tinawag na isang Modern Christmas Tree dahil sa eleganteng dating nito.
Bago nag pagpapailaw, nagkaroon muna ng maikling programa kung saan nagtanghal ang ilang mga piling estudyante mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Odiongan.
May choral ring nag-alay ng pamaskong awitin kaya mapamatanda at bata, nag-enjoy sa mga talenting ibinahagi sa intablado.
Maliban sa Giant Christmas Tree, nilagyan rin ng elegante pailaw ang Municipal Building ng Odiongan, gayun rin ang iba pang infrastraktura na nasa loob ng Odiongan’s Children Park and Paradise katulad ng Giant Snowball, at ang Christmas Light Tunnel.
Todo naman sa papicture ang dumalo sa lighting ceremony sa magagandang pailaw ng Odiongan, at ayon sa munisipyo ng Odiongan aabot sa halos 2,000 katao ang dumalo sa nasabing ceremony.
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang nasabing pailaw ay para sa ikasasaya ng bawat isa.
Inaasahang sa susunod na linggo ay bubuksan ang Night Market sa labas rin ng Odiongan’s Children Park and Paradise.