Pinaghahandaan na ng local government unit ng Cajidiocan, Romblon ang nalalapit na pagbubukas ng Regional Trial Court Branch 106 na ilalagay sa kanilang bayan, ayon sa isang facebook post ni Cajidiocan board member, Atty. Greggy Ramos.
Ayon kay Ramos, iminungkahi na ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang opisyal na pagbubukas ng Regional Trial Court sa Sibuyan at meron na umanong mga pangalang para maging hukom nito.
Malaking tulong ang pagbubukas ng Regional Trial Court Branch 106 dahil hindi na kinakailangang tumungo ng Romblon ang mga taga-Sibuyan para doon dinggin ang iba’t ibang kaso.
Pinasalamatan naman ni Ramos si dating Congressman Eleandro Madrona dahil iniwan niya umano ang Regional Trial Court sa Sibuyan bilang isa sa kanyang legasiya sa isla.