Inilunsad ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) ang isang mobile application para makatulong sa kanilang mga consumers para mamonitor ang kanilang mga billing statements.
Ang TIELCO Mobile ay isang libreng application na pwede na ngayong ma-download sa Google Play Store sa lahat ng android smartphones at tablets.
Matapos na ma-download ang TIELCO Mobile app, kailangan ng costumer na mag register sa application sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang membership number at account number.
Sa pamamagitan ng nasabing application, pwedeng tingnan ng isang member ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. (TIELCO) ang kanyang previous bills sa iba’t ibang account number.
Pwede ring gamitin ang application sa pagpapadala ng mga reklamo katulad ng brownout at iba pa.
Ayon kay Engr. Orville Fajutag Ferranco, General Manager ng TIELCO, nakipagtulungan sila sa Optiserve Technologies Inc para mabuo ang kauna-unahang interactive mobile application ng electric cooperative sa Tablas Island, Romblon.
Maari niyong makuha ang inyong membership number sa TIELCO. Tawagan lang ang kanilang hotline sa (042) 567-5170.