Naaresto nitong April 02 ng mga tauhan ng Ferrol Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Mamburao Municipal Police Station sa Mamburao, Occidental Mindoro ang dalawang mag-pinsang wanted sa Ferrol dahil sa kasong homicide.
Kinilala ang mga suspek na sina Merinciano Tañedo Jurilla, 58; at Michael Rogon Jurilla, 28, pawang residente ng Sitio Maligaya, Brgy. Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro.
Ang dalawa ay wanted sa kasong homicide na isinampa sa kanila noong 2011 sa Regional Trial Court Branch 82 Odiongan Romblon.
Dinala na pabalik ng Ferrol, Romblon ang mag-pinsan para iharap sa korte.
Maari silang makalaya kung magbabayad ng piyansa na aabot sa P40,000 kada isa.