Posibleng linangin para maging isang tourist site ang Bagulayag Point na matatagpuan sa boundary ng mga bayan ng Ferrol-Odiongan sa Tablas Island, Romblon.
Ito ang iniulat ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang official Facebook Page.
Ayon sa alkalde, nakikipagusap siya kay Ferrol Mayor Jun Mayor para sa posibleng pagbuo ng inter-municipal management board para sa pagdevelop sa nasabing lugar.
Ang Bagulayag Point na matatagpuan sa bahagi ng mga Barangay ng Canduyong sa Odiongan at Tubigon sa Ferrol.
Maganda ang view sa lugar at siguradong papatok sa mga turista dahil sa malinis at malinaw na tubig dagat rito.