Idineklara ni Governor Eduardo Firmalo na Special Non-working Holiday sa buong probinsya ng Romblon ang March 16 at 18 ngayong taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Romblon Foundation Day at pag ala-ala sa Romblon Liberation Day.
Sa Memorandum Order No. EF03-007 s. 2018 na nilabas ng Office of the Governor nitong March 08, sinabi rito na alinsunod ito sa Republic Act 9642 “An Act Declaring March 16 of Every Year as Romblon Foundation Day and a Special Non-Working Public Holiday in the Province of Romblon” at Proclamation No. 430, s. 1989.
Nakasaad rin sa Memorandum Order na pinirmahan ni Governor Eduardo Firmalo na walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan, kasama na ang trabaho sa mga opisina sa pribado at pampublikong mga ahensya at opisina.