Muling itinalaga bilang testing center ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Rombon para sa gaganaping Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT) ngayong March 25, 2018, Sunday.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), ang pagtatalaga sa Odiongan ay tugon sa hiling ni Governor Eduardo Firmalo na ganapin muli sa Romblon ang Board Licensure Examination for Professional Teachers.
Sa resolution no. 2018-1077, sinabi ng PRC na maliban sa Romblon, magkakaroon rin ng testing centers sa mga lugar ng Palawan at San Jose, Occidental Mindoro.
Pirmado ni PRC CHairman Teofilo Pilando Jr., ang nasabing resolusyon.