Nakuhaan ng mga bala at baril ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch, Criminal Investigation and Detection Group-Romblon, Santa Fe Municipal Police Station, at Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng mga otoridad nitong madaling araw ng Huwebes.
Ayon kay Police Senior Inspector Leidelyn Ambonan, spokeperson ng Romblon Provincial Police Office, nagsagawa ng search warrant operation ang mga otoridad sa bahay ni Elizalde Casimero Caunca, 46-taong gulang, sa Barangay Tabugon, Santa Fe, Romblon.
Dito nila nakuha ang isang caliber 45 na baril, magazine na may 7 live bullets.
Ang nasabing operasyon ay alinsunod sa ibinabang search warrant ng Regional Trial Court Branch 82 noong March 7 laban sa suspek.
Dinala na sa Santa Fe Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.