Naging panauhing pandangal si Police Chief Supt. Emmanuel Luis Licup, Director ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pagdiriwang ng Romblon Police Provincial Office sa 27th Founding Anniversary ng Philippine National Police (PNP) sa Romblon, Romblon nitong Lunes ng umaga.
Sinalubong si Director Licup ni Police Senior Supt. Leo Quevedo, Director ng Romblon Police Provincial Office, at ng mga kapulisan ng Romblon.
Sa maikling mensahe ni PCSupt. Licup, binigyan nito ng ilang paalala ang mga kapulisan at hamon para patuloy na galingan sa trabaho at pagseserbisyo sa mga taga-Romblon.
Kasabay sa pagdiriwang ng 27th Founding Anniversary ng PNP ay nagsagawa rin sa Headquarters ng Romblon Police Provincial Office ng Simultaneous Mass Oath-Taking at Donning of Ranks. Kinilala rin sa nasabing event ang ilang deserving personnel ng Romblon PPO.
Samantala, dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang ilang opisyal ng probinsya at bayan ng Romblon.