Natupok ng sunog ang isang bahay sa Barangay Capaclan, Romblon, Romblon nitong Lunes, March 05, 2018.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagmula ang sunog sa problema sa electrical ng nasabing bahay.
Agad namang naapula ang sunog dahil wala naman umano itong katabi na bahay sa lugar kaya hindi na umano kumalat pa.
ADVERTISEMENT
Walang natira sa gamit ng mga nakatira sa nasabing bahay kaya inaasahang aabot sa mahigit P500,000 ang halaga ng mga nasunog rito.
Wala namang nasaktan sa nasabing aksidente.