Walang malay ng maisugod sa Romblon District Hospital sa Romblon, Romblon ang isang lalaking rider matapos na maaksidente sa may Barnagay Lonos bandang alas-9 kagabi.
Hindi kilala ang lalaki sa lugar at maaring taga-ibang barangay.
Ayon sa mga residente at tumulong sa nasabing rider, narinig nalang nilang may kumalabog sa kalsada at nakita nilang nakahandusay na ang rider. Wala rin naman umano itong kabanggaan. May kadiliman rin umano sa lugar kung saan nangyari ang aksidente.
Wala rin umanong suot na helmet ang rider nang maaksidente.
Namatay rin kinalaunan ang rider sa Romblon District Hospital sa Romblon, Romblon.