Patay ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip matapos na makuryente sa kanyang tinitirhang bahay sa Barangay IV sa bayan ng Romblon, Romblon nitong gabi ng Sabado.
Kinilala ang nasawi na si Alejandro Millares Ferrer, 58-anyos.
Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, bandang 7:30 ng gabi ng iwan nila si Alejandro sa kanyang kwarto at pagbalik nila bandang alas-10 ng gabi, nakita nila na nakahandusay na sa sahig at wala ng buhay ang biktima.
Paniwala ng kanyang mga kamag-anak, umakyat sa pader na sawali ang biktima at aksidenteng nahawakan ang bukas na junction box na may live wire kaya ito nakuryente.
Dead on the spot ang biktima at dinala na sa morge para sa kanyang post-mortem examination.