Isang lalaki ang arestado sa bayan ng Romblon, Romblon dahil umano sa iligal na droga nitong weekend ayon sa report na nakarating sa Romblon Provincial Police Office.
Kinilala ang naarestong suspek na si Boilan Salvador Francisco, 40-taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Capaclan, Romblon, Romblon.
Naaresto si Francisco nitong hapon ng Sunday sa isanagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforce Unit (PDEU), Philippine Drug Enforcement Agency Romblon, at Romblon Municipal Police Station.
Nakuha umano sa suspek ang dalawang piraso ng sealed plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, at P1,000 bill na ginamit umano sa buy-bust operation.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Romblon Municipal Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.