Sugatan ang dalawang sakay ng tricycle matapos bumaliktad ito sa bahagi ng Sitio Campo, Barangay Agpudlos, San Andres, Romblon bandang alas-4:40 ng hapon kanina.
Ayon sa report ni Police Senior Inspector Edwin Bautista ng San Andres Municipal Police Station, may kargang tatlong malalaking lumber ang tricycle na naging dahilan ng pagbaliktad nito habang pababa sa palusong na bahagi ng National Road.
Tumilapon ang dalawang sakay nito na kinilalang sina Doroteo Muya Madula, 60; at Johnlie Fetalino, 23; pawang residente ng nasabing lugar.
Agad na tinulungan naman ang dalawang sakay ng isang dumaan na truck at agad na dinala sa San Andres Municipal Hospital at kinalaunan ay inilipat sa Romblon Provincial Hospital.
ERATUM: Hindi po nasagi ang tricycle ng truck, kontra sa una na naming naibalita.