Isang mangingisda ang patuloy na pinaghahanap ng Coast Guard Station-Romblon matapos na mawala ng ito’y pumalaot nitong Linggo ng hapon sa bayan ng Romblon, Romblon.
Kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang nawawala na si Ferdinand Mazo Cansino, 36-taong gulang, at residente ng Barangay Sugod, San Agustin, Romblon.
Nasa Romblon, Romblon umano ang biktima para manood ng karera ng mga banka nitong linggo bilang bahagi ng Biniray Festival 2018 at pagkatapos nito’y babalik na sana ng San Agustin ngunit hindi umano ito nakarating.
Nakainum rin umano si Cansino bago ito pumalaot ayon sa kanyang mga kamag-anak.
Ayon sa kamag-anak ni Cansino na nakausap ng Romblon News Network, nakita na ang sinakyan nitong bangka sa Alad Island, Romblon nitong Martes ng hapon ngunit hindi wala na umano rito si Cansino.
Nanawagan ang pamilya ni Cansino sa kung sino man ang makakita sakanya ay lumapit agad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya.