Sinimulan na nitong nakaraang mga araw ang konstruksiyon sa kauna-unahang zip-line na maitatayo sa Tablas Island, Romblon at ito’y matatagpuan sa bayan ng San Agustin.
Ang nasabing zip-line na proyekto ng LGU San Agustin sa pamumuno ni Mayor Denon Madrona ay magsisimula sa Biaringan Island patungo sa Barangay Mahabang Baybay (Long Beach).
Sa ngayon palang ay usap-usapan na online na malaki ang magiging ambag nito pagdating sa turismo ng bayan at ng probinsya ng Romblon.
Isusunod na rin ngayong taon ang pagsemento sa kalsada galing Barangay Carmen patungong Barangay Mahabang Baybay kung saan inaasahang magiging daanan patungo sa nasabing zip-line.
Maalalang may naitayong zip-line na rin noon sa San Fernando sa Sibuyan Island, Romblon ngunit hindi umano ito operational sa ngayon.