Sugatan ang isang 13-anyos na estduaynte sa bayan ng Odiongan sa Romblon matapos maaksidente sa kahabaan ng National Road sa Barangay Gabawan nitong Sabado.
Ayon kay Police Senior Inspector Kenneth Gutierrez ng Odiongan Municipal Police Station, pauwi na ng Odiongan town proper ang Grade 7 student nang maaksidente.
Habang binabaybay umano nito ang National Road ay bigla itong nawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at sumalpok sa isang poste bago ito tumilapon sa gilid ng isang waiting shed.
Masilan ang kalagayan ng biktima ng maabutan ng mga residente sa lugar para tulungan dahil natusok ang pwetan ng estudyante ng isang naka usling bakal.
Wala umanong helmet at lisensya para magmaneho ang biktima.
Agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang biktima at kalaunan ay inilipad ng ospital patungong St. Luke’s Medical Center sa Metro Manila.
Patuloy na nagpapagaling ang estudyante.