Nag-alay ng panalangin at nagpalipad ng mga lobo ngayong araw ang mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang bagong hepe na si Police Senior Inspector Chisi Faderagao bilang pag-alala sa ika-3 anibersaryo ng pagkamatay ng SAF 44.
Nag-alay rin ng moment of silence ang mga kapulisan bilang pag-alala sa pagbubuwis buhay ng SAF 44 noong January 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.
Matatandaang nasawi ang 44 na Special Action Force (SAF) troopers nang makabarilan ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters pagkatapos nilang mapatay ang grupo nina lkifli bin Hir at Abdul Basit Usman.