Tatlo katao ang sugatan sa salpukan ng isang motorsiklo at tricycle sa Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon nitong gabi ng December 24, bisperas ng pasko.
Kinilala ang tatlo na nasangkot sa pangyayari na sina Michael Samonte, 33-taong gulang, driver ng tricycle; Marry Ann Rafol, 33-taong gualng, sakay ng tricycle; at si Chito Bacus Fajarito, 41-taong gulang, driver naman ng motorsiklo.
Sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, patungo sana ng Poctoy Port ang tricycle ngunit naka-head on collision nito ang motorsiklo na patungo naman sa Barangay Tuburan.
Ayon sa driver ng motorsiklo, nnwalan umano siya ng kontrol sa motorsiklo sa hindi pa alam na dahilan.
Agad na isinugod sa Romblon Provincial Hospital ang tatlong sugatan habang ang kanilang mga sasakyan ay dinala sa Odiongan Municipal Police Station.
Hindi naman nakapagpakita ng lisensya ang dalawang driver.
Patuloy na iniimbestigahan ng Odiongan Municipal Police Station ang aksidente.