Isang rider ang patuloy na pinaghahanap ng pulisya matapos na takasan ang kinasangkutan nitong aksidente nitong gabi ng December 25 sa Barangay Tuburan, Odiongan, Romblon.
Bandang 6:45 kagabi ng makita ni Anthony Ebon Libuton Jr., 43-taong gulang, ang kanyang tribike na nasalpok na ng isang motorsiklo ngunit wala na ang driver nito.
Naiwan umano ang motorsiklong RUSI na may plate number na DS 27285 sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.
Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, nasira at nayupi ang tricycle ni Libuton habang nasira rin ang unahan ng motorsiklo na iniwan ng tumakas na rider.