Bigo paring makita ng mga awtoridad ang mag-asawang natabunan ng landslide sa Sitio Paraw, Barangay Mabini, San Fernando, Romblon nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay Harley Relox, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, nagsagawa sila muli kahapon, December 18, ng umaga ng Search and Rescue Operation sa lugar ngunit bigo parin nilang makita ang katawan ng dalawa.
Nahihirapan rin umano silang maghukay dahil sa laki ng tambak na lupa na bumigay sa lugar.
Tumutulong na rin umano ang ilang residente ng Barangay Mabini sa paghahanap sa mag-asawang kinilalang sina Matilde Romero at Masoline Romero, pawang 60-years old.
Sinabi rin ni Relox na imposibleng mabuhay pa ang dalawa dahil light materials lang ang bahay nila at maaring nasira na yun ng rumagasang lupa na may kasama rin umanong mga bato.