Kung bumabaha na po sa inyong lugar ay lumikas na po tayo papunta sa pinakamalapit na evacuation center.
Ito ang laman ng post ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng Odiongan, Romblon ngayong umaga ng December 17 kung saan ramdam na ramdam ang hagupit ng bagyong Urduja sa kanilang bayan.
Pinapayuhan ni Mayor Fabic ang lahat na manatili umano muna sa kani-kanilang mga bahay at huwag na muna lumabas dahil sa malakas na hangin.
ADVERTISEMENT