Ramdam na ramdam ang hagupit ng bagyong Urduja sa lalawigan ng Romblon ngayong madaling araw ng December 17.
Ang bayan ng Odiongan sa Romblon, simula pa kagabi inuulan at halos mag zero visibility na rin ang mga kalsada sa ulan na sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin.
Ilang mga poster rin ang sumasabay sa ihip ng hangin at tila liliparin na anumang oras. Ang mga dahon ng puno sumasayaw rin sa ihip ng hangin.
Isang sign board rin ang itinumba sa gitna ng kalsada ng malakas na ihip ng hangin.
Patuloy naman binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga lugar na posibleng bahain kung magpapatuloy ang pag-uulan sa Odiongan.