Magpapasko ng walang ina ang dalawang bata sa Alcantara, Romblon matapos na masawi ang ina sa isang aksidente ngayong gabi sa Barangay San Isidro, Alcantara, Romblon.
Kinilala ang nasawi na si Leslee Gacura-Taytay, residente ng Camandag, Looc, Romblon.
Ayon sa mga first responder, nakasalpukan ni Taytay ang isang motorsiklo na may 13-taong gulang na rider.
Dead on arrival si Taytay sa Romblon Provincial Hospital habang nagtamo ng galos at kaunting sugat ang minor de edad na kabanggaan ni Gacura.
Maulan rin umano sa lugar nang mangyari ang aksidente.
Patuloy na iniimbestigahan ng Alcantara Municipal Police Station ang nasabing aksidente.