Ginising ng hanggang leeg na baha ang ilang residente ng Barangay Tulay sa Odiongan, Romblon ngayong araw.
Ito ay dahil parin sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan dala ng bagyong #Urduja na nanalasa sa bansa.
Sa mga litrato na ibinahagi ni Unilyn Gadon sa Romblon News Network, makikita ang kanyang pamilya na itinataas ang mga kanilang kagamitan para maiwasang mabasa kaninang alas-3 ng madaling araw. Sa ngayon umano ay hanggang leeg na ang baha sa kanila.
Sa Barangay Tabobo-an naman, inabot na ng hanggang tuhod na baha ang simbahan ng Foursquare Church sa lugar.
Umapaw na kasi ang mga tubig sa palayan dahil sa walang tigil na ulan.
Wala pa namang naiulat na nasaktan sa kabi-kabilang baha sa Odiongan.