Magbubukas na sa mga susunod na araw ang Negosyo Center ng Department of Trade and Industry (DTI) sa bayan ng Looc, Romblon.
ADVERTISEMENT
Pormal ng tinanggap ni Looc Mayor Leila Arboleda ang mga IT Equipments na ilalagay sa Negosyo Center.
Layunin ng Negosyo Center ay mailapit ang serbisyo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng paggamit ng mga makabagong kagamitan at pamamaraan sa mamamayan upang mapabilis ang proseso sa pagnenegosyo at upang makatuwang sa pagpapalago pa nito.