Nagtamo ng sugat ang driver ng isang motorsiklo habang galos naman ang driver ng isang tricycle matapos masangkot ang dalawa sa isang aksidente bandang alas-5 ng hapon kahapon, December 26, sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Batay sa mga nakasaksi, magbaba sana ng pasahero ang tricycle kaya ito nag u-turn ngunit hindi nito napansin ang motorsiklo na nasa likod kaya dumiretso sakanya ang motorsiklo at nasalpok nito.
Natumba ang motorsiklo pero nakatayo naman agad ang driver nito. Hindi naman nasaktan ang mga pasahero ng tricycle.
Wala namang suot na helmet ang driver ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
Nagkaayos na ang dalawa at hindi na nagpa-blotter sa pulisya.