(December 17, 2017) — Balik-normal na operasyon na ngayong araw ang mga barko ng Montenegro Shipping Lines na patungo at paalis ng lalawigan ng Romblon kasama na ang M/V Maria Querubin na biyaheng San Agustin – Romblon – Sibuyan at pabalik.
Inanusyo na rin ng 2Go Travel na may biyahe na sila ngayong araw sa kanilang rutang Batangas – Odiongan – Caticlan at aalis ito ng Batangas Port ng alas-9 ng gabi.
May biyahe rin ang Odiongan to Batangas ng 2Go Travel ngayong 11AM ng umaga.
May biyahe na rin ang barko ng Starlite Ferries galing Roxas, Oriental Mindoro patungong Odiongan, Romblon ngayong araw ngunit aalis umano ito ng mas maaga sa Roxas para mabawasan ang mga stranded sa Mindoro.
Inaasahang aalis ng Odiongan, Romblon ang barko ng Starlite bandang alas-5 ng hapon patungong Roxas.