Naperwisyo rin ng bagyong Urduja ang mga residente ng Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon kaninang umaga matapos na gisingin sila ng baha na nagpalubog sa kanilang mga palayan, at bahagi ng National Road.
Umapaw kasi ang sapa at palayan na nasa lugar kaya napunta sa mga kalsada ang tubig baha.
Nagkaroon rin ng landslide sa lugar na naging resulta ng pagkabuwal ng ilang puno kaya ang mga motorista na patungong Odiongan, Romblon; stranded.
Sinisimulan na ring linisin ang mga na buwal na punong kahoy at ang mga bumara sa kanal na isa rin sa mga naging resulta ng pagbaha.