Narekober na ng mga awtoridad sa San Fernando, Romblon ang katawan ng mag-asawang natabunan ng landslide nitong kasagsagan ng paghagupit ng bagyong Urduja sa probinsya nitong weekend.
Ayon kay Harley Relox, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, bandang 5:15 ng kaninang hapon natagpuan ang katawan ni Matilde Romero at bandang 6:28 naman ngayong gabi natagpuan ang katawan ni Masoline Romero.
Malalim umano ang pinagkalibingan ng mag-asawa kaya nahirapan ang mga awtoridad na makita sila.
Batay naman sa posisyon ng katawan ng mag-asawa, nakalabas na umano ang dalawa ng bahay at may sabit pang bag ang babae para lumikas sana ngunit naabutan sila ng pagguho ng lupa.