Pinailawan na sa Odiongan, Romblon ngayong gabi ang 6 na metrong taas na Christmas Tree na pinuno ng matitingkad na christmas lights.
Modern ang dating ng Christmas Tree dahil bibubuo ito ng mga eleganteng puti at gintong kulay.
Ayon sa Engineering Office ng Odiongan, Romblon, aabot sa mahigit 160 christmas lights ang nagamit nila para mapailawan ang nasabing Christmas Tree.
Todo pa-picture naman ang ilang sumaksi sa pagpapa-ilaw dahil magandang background ito sa Landmark ng bayan.
Binuksan na rin ngayong gabi ang Christmas Bazar ng bayan kung saan makikita ang iba’t ibang klaseng paninda na pwedeng pang regalo sa mga inaanak.
May foodpark rin para sa mga mahihilig sa food trip.
Bukas ang Christmas Bazar tuwing alas-5 ng hapon hanggang alas-12 ng hating gabi hanggang sa January 02, 2018.