Dalawang motorbanca ang nasira ng bagyong Urduja sa Barangay Linao sa Calatrava, Romblon kaninang madaling araw.
Ayon sa mga may-ari ng dalawang motorbance, nakita na lamang nila na lubog na sa buhangin at tubig ang kanilang bangka kaninang umaga paghupa ng walang tigil na ulan kagabi.
Nalubog rin sa baha ang mga makina ng bangka kaya ang mga may-ari ng bangka, hindi sigurado kung paano nila ito muling magagamit.
Inaasahan kasi nila na hindi masisira ng alon ang kanilang bangka dahil hindi ganun kalakas ang alon sa lugar tuwing may bagyo.