Tatlong menor de edad sa Odiongan, Romblon ang nahulicam na nagnanakaw ng isang bisikleta sa Barangay Liwayway, Odiongan, Romblon nitong bisperas ng UNDAS.
Kita sa video na dumating sa harap ng computer shop ang tatlong minor sakay ng isang bike, maya-maya pa ay umalis ang dalawang naka-bike at iniwan ang angkas na tila may pinuntahan sa may gilid.
Maya-maya pa ay may dala ng bisikleta ang nasabing minor at dali-dali na pumunta sa kabilang kanto kung saan nag-aabang ang mga kasama.
Dahil sa nakunan sila ng CCTV, naaresto na kahapon, November 05, ang tatlong minor sa Barangay Libertad.
Ayon kay Ramon Carangan, hepe ng Odiongan Transport and Regulatory Unit (OTRU), nakita nila sa nasabing barangay ang bisikleta na kinuha sa cctv kaya nakipag-ugnayan agad sila sa pulisya.
Dito na naaresto ang tatlo. Inamin naman umano nila ang ginawang pagnanakaw.
Ayon naman kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., nasa kustodiya na nila sa Odiongan Municipal Police Station ang tatlong minor.