Nagkaloob si Congressman Eleandro Madrona ng isang sasakyan sa Provincial Department of Health Office (PDOHO) Romblon nitong Sabado upang magamit sa mga serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.
Ayon sa paunang impormasyon, gagamitin ang sasakyan sa mga aktibidad ng tanggapan, kabilang ang pagpunta sa mga bayan at barangay para sa mga programang pangkalusugan at iba pang gawaing may kaugnayan sa mandato nito.
Nagpasalamat si Dr. Winston A. Palasi ng PDOHO Romblon kay Madrona sa pagkakaloob ng sasakyan. Inaasahang makatutulong ito sa paggalaw ng mga kawani at sa pagsasagawa ng mga aktibidad ng tanggapan sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

























