Patok ang self make-up video ng dalawang beki na taga-Romblon dahil makikita sa video ang isa sa mga beki na nagma-makeup ng sarili ay walang mga daliri.
Literal na walang daliri ang isa sa mga beki na si Angelo Florendo. Ayon kay Kit Fradejas na kasama niya sa video, inborn o simula pa ng ipanganak si Angelo ay wala ng mga daliri ito.
Nagulat rin umano si Kit ng mag-video sila dahil natuklasan niyang magaling palang mag make-up si Angelo kahit walang mga daliri.
Ginalingan rin umano ni Angelo sa paglalagay ng kilay sa kanyang sarili at ang paglalagay ng pantay na eyeliner.
Hindi umano handlang ang may kapansanan para magawang magpaganda ng sarili.
Si Angelo ay nagdiriwang rin umano ng kanyang kaarawan ngayong araw August 26.
{googleads center}