Unang araw palang ng office works sa 2017, agad na pinulong ni Police Senior Superintendent Leo Quevedo ang kanyang mga tauhang kasama sa mga paplano sa siguridad ng Biniray Festival 2017 ngayong buwan ng January sa bayan ng Romblon, Romblon.
Inaasahan kasing dadagsain ng mga turista at bakasyunista ang Biniray Festival ngayong paparating na January 13-23.
Patuloy naman ang paghahanda ng mga barangay na mag peperform sa street dancing competition na isa sa mga highlights ng nasabing event.
Ayon sa Fiesta Management, ilalabas nila ang kompletong schedule ng biniray ngayong unang linggo ng January.