Sumuko ang isang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon matapos nitong paputukan ng baril ang nakaalitang tricycle driver nitong bagong taon.
Kinilala ang suspek na si Ronald Motin, 33-years old; habang ang biktima naman ay kinilalang si Rex Morgado, 31-years old.
Ayon kay Police Supt. Imelda Tolentino ng Police Regional Office MIMAROPA, nabaril umano ni Motin si Morgado matapos silang magtalo sa isang bagay.
Maswerteng hindi tinamaan ng bala si Morgado at agad na nakatakbo palayo sa suspek.
Sumuko naman agad ang suspek na si Motin sa mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station matapos ang insidente.
Kinasuhan na ang suspek ng Attempted Homicide at Illegal Discharge of Firearm.
Ito lamang umano ang kasong naitala ng Romblon Provincial Police Office ng indiscriminate firing sa buong Romblon nitong pagsulobng ng bagong taon.