Tiklo sa kamay ng pulisya matapos positibong mabilhan umano ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu ang tricycle driver na si Alikhaine Marquez Magracia, residente ng Brgy. 4, Romblon, Romblon nitong gabi ng January 19.
Isinagawa ang buy bust operation ng grupo ng Romblon Municipal Police Station at CIDG-4B sa pangunguna ni Police Chief Inspector Winnerio Pagua Jr. at Police Chief Inspector Romulus Gadaoni.
Maliban sa isanh sachet na nabili ng pulisya, nakuha rin sa suspek ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu, foil strips, at ilang pera.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Romblon MPS at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165.