Ginunita kahapon, January 17, ang ika-100 founding anniversary ng Romblon National Highs School sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng iba’t ibang batch magmula sa Batch 1950 hanggang Batch 2012.
Ang pinakamatandang batch na 1950 ay may roong isang representative na inalalayan pa ng Philippine National Police.
Ang pagdiriwang ay sinumulan sa isang misa at parada kaninang umaga, tinatayang umabot sa mahigit kumulang 2,000 libo ang dumalo sa parada.
Nagtagal ang programa hanggang gabi at isa nga sa panauhing pandangal ay si Division Superintendent Roger Capa.
Bilang bahagi rin ng pagdiriwang, idineklara ng pamahalaang lokal sa bayan ng Romblon na special holiday ang January 17.