Nagtamo ng minor injury ang driver ng isang truck na may kargang mga marmol na bato matapos itong sumalpok sa isang pader sa Barangay III sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng Romblon MPS, nawalan umano ng preno habang pababa ang nasabing truck kaya dumiretso ito sa pader.
Hindi naman nasaktan ang mga pahinante ng truckng sumalpok ito sa pader.
Pumasok sa kanal ang gulong ng truck.
Sa ngayon, patuloy na tinatanggal sa pagkakabaon ang gulong ng truck sa kanal.
Nag resulta naman ito ng pagsikip sa daanan sa barangay III.